P325-M SA BALAE NI DIOKNO, WALA SA MASTER PLAN

casiguran

(Ni BERNARD TAGUINOD) Wala sa binuong master plan ang P325 million flood control projects na ibinigay umano ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno sa kanyang balae sa Sorsogon.

Ito ang isiniwalat ni House Majority leader Rolando Andaya Jr., sa kanyang press conference hinggil sa ibinuhos ni Diokno na pondo sa Casiguran, Sorsogon kung saan Mayor ang kanyang balae na si Mayor Edwin Hamor.

Ayon kay Andaya, bumuo ng master plan ang gobyerno para sa flood mitigation program kung saan bukod sa National Capital Region (NCR) ay isinama ang Bulacan at Pampanga dahil sa mga naranasang pagbaha sa mga nakaraang malalakas na bagyong dumating sa bansa.

Gayunpaman, binuhusan ni Diokno ng P325 million ang Casiguran, Sorsogon habang ang konstruksyon  ng Estero de Sunog Apog Pumping station sa Hermosa, Tondo Manila  na mas maraming tao at laging binabaha ay binigyan lang ng P74 Million lamang para sa 2019.

“Alam naman natin na maraming tao dyan at laging nagbabaha. Eh maraming tao dito pero P74 million lang ang naka-allocate? Ano ba talaga ang basehan ang pagbigay natin sa pondo para sa flood control. May master ba tayo, kamag-anak ba o ala-tsamba ba,” ani Andaya.

Ito marahil aniya ang dahilan kung bakit minamadali ni Diokno na ipasa ang 2019 national budget para hindi masilip ang mga isiningit nitong pondo para sa flood na umaabot sa P133 billion.

 

176

Related posts

Leave a Comment