FEU TAMARAWS HUMABOL SA F4

Sinelyuhan ng huling tres ni  Arvin Tolentino ang panalo ng FEU Tamaraws kontra La Salle Green Archers, 71-70, upang kunin ang huling silya sa Final Four ng UAAP Season 81 men’s basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum.

Sumandal ang Tamaraws sa 7-2 run na kanilang ipinuslit sa mga huling sandali ng labanan upang emosyunal na kunin ang huling slot sa semis sa ikaanim na sunod na pagkakataon

Lamang ang Archers, wala nang isang minuto sa  labanan, matapos ang huling lay-up ni  Aljun Melecio, 70-64, ngunit  isang foul buhat kay Santi Santillan ang sinamantala ng Tamaraws kung saan dalawang free throws ang agad na isinuksok ni Jasper Parker.

Muling dumikit ang Tamaraws matapos na ihagis ni Axel Inigo ang isang 2-pointer  na nagbigay ng 68-70 count may 30 segundo pa ang nalalabi. Kasunod nito ay hindi nakuhang makapuntos ng Archers, nang biglang ipukol ni Tolentino ang tres, 3.1 segundo na lang.

Sinubukan ng Archers, na makapg set-up ng huling play, kung saan ang kanilang target ay mailagay ni Melecio ang huling basket, ngunit kulang ang oras at naging mahigpit ang depensa ng Tamaraws dito.

Dahil ditto ay mabibigyan ng pagkakataon ang Recto-based school na makaharap ang number 1 team na Ateneo na may bentaheng twice-to-beat sa final four na magsisimula sa darating na Sabado.

“I’m so elevated with this win. Let’s give it to the boys. They never really gave up, kahit noon pa hindi lang sa larong ito. Sila nagdala sa akin dito, nagbigay ng kumpiyansa, so I am really proud of my boys,”pahayag naman ni FEU coach Olsen Racela.

Samantala, laglag naman sa kontesyon ang Taft-based school na DLSU dahil sa pagkabigo. (Chinky Abando)

 

Scores:

FEU 71 – Tolentino 15, Ebona 12, Tuffin 11, Escoto 10, Comboy 8, Parker 7, Inigo 5, Cani 2, Orizu 1, Stockton 0, Gonzales 0, Bienes 0

LA SALLE 70 – Santillan 20, Melecio 9, Caracut 9, Montalbo 7, Baltazar 6, Manuel 5, Samuel 4, Dyke 3, Go 3, Bates 2, Serrano 2

QUARTER SCORES: 22-21, 36-38, 54-51, 71-70

6

Related posts

Leave a Comment