PORTLAND TUMAKAS SA KNICKS

NEW YORK — Nagtulong sina CJ McCollum at Damian Lillard nang hakbangan ng Portland Trail Blazers ang New York Knicks, 118-114 sa NBA action noong Miyerkules.

Umiskor si McCollum ng 31 points, habang si Lillard ay may 29 points, eight assists at six rebounds.

Silang dalawa ang kumamapara sa Portland sa halos kabuuan ng laro, habang si Evan Turner naman ang tumapos nang isang put back ang kanyang gawin mula sa mintis na basket ng kakampi sa huling 9.5 segundo.

Si Tim Hardaway Jr. ay nagtala ng 32 points para sa Knicks, na natalo sa ikaanim na sunod.

Sunod na kalaban ng Portland ang Milwaukee at Golden State.

NETS NASILO ANG HEAT

MIAMI — Humugot si D’Angelo Russell ng 20 points, may 13 points at 14 rebounds naman si Jarrett Allen nang masilo ng Nets ang Heat, 104-92.

Nagdagdag rin si Spencer Dinwiddie ng 16 points para sa Brooklyn, na pinalamig ang Heat sa 36% shooting.

Si Hassan Whiteside naman ay kumamada ng 21 points at 23 rebounds para sa Miami, na natalo sa ikalimang sunod sa home.

At kahit bumalik na sa aksiyon si Dwyane Wade na pitong larong lumiban, nakalimang puntos lamang siya.

RAPTORS LUSOT SA MAGIC

ORLANDO — Isang fade-away jumper naman ang kinana ni Danny Green sa nalalabing tikatik sa orasan at nakalusot ang Toronto Raptors sa mahika ng Magic, 93-91.

Naagaw ni Green, may 13 puntos, ang inbound pass ni Lyle Lawry sa huling 2.3 seconds, pumuwesto sa kaliwa at pinakawalan ang jumper.

May natira pang 0.5 seconds, pero mintis si Orlando’s Nikola Vucevic sa kanyang  67-foot shot at naubos ang oras.

Pinangunahan ni Kawhi Leonard ang Toronto sa kanyang 18 points, habang si Pascal Siakam ay may 15. 

7

Related posts

Leave a Comment