TEAM PILIPINAS RUMESBAK SA JORDAN

Matapos ang 92-98 loss sa unang tune-up game kontra Jordan, niresbakan ng Team Pilipinas ang bisitang koponan, 82-73 sa ikalawang tune-up kagabi sa mainitang laro sa Meralco gym.

Nag-init ang ulo ni coach Yeng Guiao at kinompronta ang coach ng Jordan na si Joey Stiebing sa midcourt matapos na ibato ng Jordanian player ang bola kay Scottie Thompson sa huling 6:26 sa laro.

Kahit sa unang tune-up pa lamang ay nagkakainitan na ang magkabilang kampo, lalo nang daganan ni Mohammed Hussein si Christian Standhardinger.

Mabuti na lamang at may mga malalamig ang ulong umawat.

Kung matatandaan, isang free-for-all ang naganap sa pagitan ng Pilipinas (na hawak ni coach Chot Reyes) at ng Australia sa Philippine Arena noong Hulyo, na nagresulta sa multiple suspension ng mga manlalaro sa magkabilang koponan.

Ang Team Pilipinas ay sasabak sa koponan ng Lebanon sa Nobyembre 30 at kontra Iran sa Disyembre 3.

9

Related posts

Leave a Comment