FIRST ROUND SWEEP NG PETRON

Dinispatsa ng Petron, sa pangunguna ni Ces Molina, nagpakawala ng 26 points, ang Foton, 25-14, 25-27, 25-14, 25-12 upang kumpletuhin ang first-round sweep ng Philippine Superliga All-Filipino Conference, Huwebes ng gabi sa The Arena sa San Juan City.

Nagpamalas si Molina ng halos all-around performance na 19 kills, five service aces at two blocks, at pahabain pa ng Blaze Spikers sa pito ang kanilang winning run para sa susunod na round.

Nakakuha pa ng suporta si Molina mula sa mga kakamping si Bernadeth Pons, may 13 hits, 11 points mula kay Aiza Maizo-Pontillas, habang sina Mika Reyes at Sisi Rondina ay tig-10 at 8 markers, ayon sa pagkakabanggit. Habang si Rhea Dimaculangan ay nag-ambag ng 46 excellent sets at 7 points.

Para naman kay Petron head coach Shaq delos Santos, bagamat masaya siya sa naging panalo ng team, hindi pa rin puwedeng magrelax dahil mahaba pa ang laban.

“Good thing maganda yung naging result but of course kailangan work hard pa rin kasi second round na so mas marami kaming kailangan trabahuin,” ani Delos Santos.

Tinapos ng reigning champions ang first-round hawak ang 7-0 win-loss record at kasama sa Pool A ang third seeded Foton (5-2), Smart (2-5) at Sta. Lucia (0-7).

Haharapin ng Petron ang kulelat na Sta. Luciasa Sabado sa Caloocan Sports Complex.

Samantala, isinara naman ng Generika-Ayala ang first round sa pamamagitan ng paggapi sa Cocolife, 26-24, 20-25, 25-17, 25-19.

Bagamat wala si head coach Sherwin Meneses, mahusay na laro pa rin ang ipinakita ng Lifesavers tungo sa kanilang ikaapat na sunod na panalo sa torneo.

Umabante rin sa second round ang F2 Logistics, na dinomina naman ang Smart, 25-11, 25-22, 25-17.

Tumabla ang Generika-Ayala sa pahingang Cignal sa fourth spot, 4-3 records.

308

Related posts

Leave a Comment