FOLAYANG CHAMP ULIT; VERA WAGI NG KO

TINANGHAL na two-time ONE world lightweight champion si Edward Folayang makaraang talunin si Singaporean Amir Khan sa kanilang ONE: Conquest of Champions card noong Biyernes sa Mall of Asia Arena.

Umiskor ang 35-anyos na si Folayang ng unanimous decision matapos bugbugin si Khan.

Si Folayang din ang ikaapat na world champion ng Team Lakay ngayong taon, ang iba pa ay sina Geje Eustaquio, Joshua Pacio at Kevin Belingon.

Halos all-around performance ang ipinamalas ni Folayang mula round 1 hanggang five sa pamamagitan ng mahusay na paggamit ng tuhod, siko, binti at kamao, na hirap na hirap depensahan ni Khan, na dumugo ang ilong sa kalagitnaan ng second round.

Samantala, napanatili naman ni Brandon Vera ang kanyang heavyweight belt nang patulugin si Mauro Cerrili ng Italy sa main event.

Nangailangan lang si Vera ng isang minute at apat na Segundo upang tapusin si Cerrili.

5

Related posts

Leave a Comment