HINDI pinaporma ng Milwaukee Bucks sa kanilang teritoryo ang defending champion Golden State Warriors, 128-111.
Bumida si Giannis Antetokounmpo na may 30 points, nag-dagdag si Bobby Portis ng 25 points at may 11 rebounds sa matchup ng NBA’s last two champions.
Nagtala si Stephen Curry ng 20 points, sa kabila ng pitong mintis sa kanyang 10 3-pointers. Nag-ambag si Jorden Poole ng 18 at 14 puntos mula kay Klay Thompson para sa Golden State.
Ito ang ikatlong sunod na talo ng Warriors sa road game at 2-12 ngayong season.
Desididong makaresbak mula sa Sunday’s loss sa Houston kung saan naposasan sa 92 points at ikalawang lowest total sa season, naglista ang Bucks ng 45 of 82 shots (54.9%).
Iniskor ni Portis ang six points at may dalawang rebounds sa unang tatlong minuto niya sa floor na nagresulta sa 16-6 run tungo sa 38-27 lead ng Bucks sa first quarter.
Sinikap ng Golden State dumikit sa ibinatong 11 3s sa opening half at nakahirit ng 20-of-50 3-point attempts sa laro.
Ngunit ang 8-2 run sa second half ay nakatulong sa Milwaukee na lumayo sa kalaban, kung saan ibinalik ni Khris Middleton ang Bucks’ lead sa 21 via 3-pointer, 7:05 sa quarter.
Sa kalagitnaan ng third quarter, itinigil ni Warriors star Draymond Green ang laro at hiniling mai-eject ang isang fan mula sa Fiserv Forum. Matapos makipag-usap ni Green kay crew chief James Capers at official Ray Acosta, ineskortan ng arena security ang fan palabas, na hindi nagustuhan ng Bucks crowd.
Matapos ang laro, iginiit ni Green na ang ejection ng fan ay bunga ng ‘death threat’ na isinisigaw nito sa kanya.
Road game pa rin ang Warriors sa Miyerkoles laban sa Indiana Pacers. Habang haharapin ng Bucks ang Memphis Grizzlies sa Huwebes.
Samantala, tinambakan ng Utah Jazz ang New Orleans Pelicans, 121-100, habang wagi ang Houston Rockets sa Phoenix Suns, 111-97.
