HOTSHOTS KAKAPIT SA NO.2

Ni ANN ENCARNACION

HULING twice-to-beat advantage ang target ng Magnolia Hotshots sa pagsagupa sa Rain Or Shine Elastopainters sa tampok na laro ng 2022 PBA Commissioners’ Cup eliminations sa PhilSports Arena ngayon (Biyernes).

Asam ng Hotshots sungkitin ang panalo kontra ­Elastopainters na magsisimula alas-5:45 ng hapon, upang manatili sa ikalawang puwesto at makuha ang natitirang insentibo papasok ng quarterfinals.

Tanging top two teams sa pagtatapos ng eliminasyon ang awtomatikong makakakuha ng twice-to-beat bonus, na ang isa ay nasambot na ng ngungunang Bay Area Dragons.

Huling tinalo ng Magnolia (9-2 win-loss) ang Meralco Bolts, 108-96, habang wagi ang ROS (5-6) sa talsik na sa torneo na Blackwater Bossing, 116-97.

Importante rin ang laro para sa Elastopainters, na kung mabibigo ay makakatabla ang NLEX (5-7) para sa huling quarter final spot.

Samantala, inaasahang lalalaban hanggang sa huli ang Meralco Bolts (4-7) sa tapatan nila ng nasa ikalimang posisyon na San Miguel Beermen (6-5) sa unang game sa alas-3:00 ng hapon.

44

Related posts

Leave a Comment