JERICHO CRUZ, PBA-PoW

SI Jericho Cruz ng San Miguel Beer ang napiling Cignal Play-PBA Press Corps Player of the Week para sa Hulyo 6-10.

Si Cruz, 31, ay kabilang sa itinuturing ngayon na ‘lethal scoring trio’ ng SMB kasama sina June Mar Fajardo at CJ Perez.

Siya ay may back-to-back career-best 27.5 points on 57% shooting sa panalo ng Beermen kontra TNT Tropang GIGA at Blackwater.

Maliban dito, si Cruz ay may 3.5 assists at 3.5 rebounds sa last two games ng MB, ­nangungunang team na may 8-1 win-loss record sa All-Filipino Cup.

Si Cruz din ang dahilan kung bakit hindi ramdam ng San Miguel ang pagkawala ng mga injured na sina Terrence Romeo, Chris Ross at Vic Manuel, at Rodney Brondial dahil naman sa health and safety protocols. (ANN ENCARNACION)

92

Related posts

Leave a Comment