JONES-MCCULOUGH MATCHUP, MISMATCH?

jones44

(NI JJ TORRES)

MULING ipinamalas ni Terrence Jones kung bakit siya ang inaasahang kukuha ng Best Import award. Ito’y matapos pangunahan ang TNT KaTropa sa 109-96 panalo kontra San Miguel Beermen sa Game 1 ng PBA Commissioner’s Cup Finals noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Tila kontrolado ni Jones ang kapalaran ng KaTropa sa unang sagupaan ng best-of-seven series, nang magtala siya ng 41 points, 12 rebounds at eight assists para bigyan ng matinding sakit ng ulo ang Beermen.

Ang inaabangang matchup sa pagitan niya at ng kapwang dating NBA player na si Chris McCullough ay nagmistulang mismatch nang hindi madala ng Beermen import ang kanyang team matapos bumulusok ang KaTropa sa pamamagitan ng 20-0 run na nagsimula sa dulo ng first quarter.

Lamang pa ang SMB sa iskor na 19-17 na pinangunahan ni Jones ang malaking run na nagdecide sa outcome ng Game 1.

Nagtapos sa 33 points si McCullough pero nag-commit siya ng nine turnovers.

“For me personally I’m a winner so the thing to do is to win,” wika ni Jones. “I don’t care if he scores more points than me, plays better than me. If my team ends up winning then that’s the matchup that I care: about who wins and who loses.”

Na-involve din siya sa isang girian sa pagitan niya at ni Chris Ross nang tawagan si Jones ng offensive dahil hindi sinasadyang siko sa ilong ng Beermen guard.

Ngunit naglabas ng sama ng loob si Ross nang tapakan ni Jones ang kanyang hita. Ang insidente ay siya ring nag-trigger ng konting altercation sa pagitan ng mga players ng parehong koponan.

Tila nagbanta si Ross kay Jones matapos ang laro.

“There are certain things that aren’t basketball plays. If you wanna play basketball, we gonna play basketball. If you wanna play dirty, we’ll play dirty,” pahayag ni Ross.

Itinanggi naman ni Jones ang paratang at sinubukan pang mag-alok na tulungang tumayo si Ross.

Ang insidente ay posibileng maging preview sa anu pang pwedeng mangyare sa serye. Magaganap bukas ang Game 2 sa alas-7:00 ng gabi sa Big Dome.

130

Related posts

Leave a Comment