KAMBOSOS WALANG DUNGIS KONTRA PINOY BOXER

kam

(Ni FRANCIS ATALIA)

PANALO by unanimous decision ang Australian boxer na si George Kambosos Jr. sa laban nito sa Pinoy southpaw na si Ray Perez, isa mga undercard fight sa Manny Pacquiao-Adrien Broner, sa MGM Grand Garden Arena.

Kaugnay nito, napanatili ni Kambosos na walang dungis ang kanyang record matapos ang kanyang eight-round boxing match kay Perez sa score na 80-72.

Nagpakawala ng straight right hands at right uppercuts si Kambosos na komukonekta kay Perez.

Hindi umubra ang katatagan ng 28-anyos na si Perez para pabagsakin ang mas batang si Kambosos.

Matatandaang si Kambosos ang chief spar mate ni Pacman sa kanyang ensayo sa General Santos City at sa Wild Card Boxing Gym sa California.

 

12

Related posts

Leave a Comment