KD INJURED NA NAMAN!

GOOD news! Naitakbo ng Brooklyn Nets ang pahirapang 102-101 win kontra host Miami Heat, Lunes (Manila time).

Ang bad news, na-injure sa kanang tuhod si Nets star Kevin Durant sa nasabing laro.

Na-block ni Ben Simmons si Heat wingman Jimmy Butler, 1:05 sa third, bumagsak at sa kasamaang-palad sa tuhod mismo ni Durant.

Ilang minuto ring nasa sahig si Durant habang hinihimas ang masakit na tuhod, bago nilisan ang court patungong locker room sa tulong ng mga kakampi.

Matapos ang laro, sinabi ni head coach Jacque Vaughn sa mga reporter na sasailalim sa masusing evaluation with MRI si Durant, na galing din sa sprain (MCL) sa kaliwang tuhod naman noong Enero at 21 games lumiban.

Matatandaang hindi nakalaro sa buong 2019-2020 season si Durant sanhi ng ruptured right Achilles tendon, at sinundan ng mahabang layoff sa 2020-21 bunga ng hamstring strain sa left leg.

Si Durant ay nananatiling isa sa pinakamagaling na offensive players ng liga. Sa kanyang 38 games ngayong season, may average siyang 30 points, 6.8 rebounds, 5.4 assists, 1.5 blocks at career-high 56% (floor) at 37.6% (3-point distance) shooting.

Siya rin ang dahilan kung ­bakit mula sa 1-5 start, 27-13 ngayon ang Nets na second-best-record sa East.

Ang putback ni Royce O’Neale sa huling 3.2 seconds ang naging turning point sa panalo ng Nets kung saan umiskor si Kyrie Irving ng 29 points.

Wagi ang Nets 18 sa kanilang huling 20 games bago na-injure si Durant, nagsumite ng 17 points, habang si Seth Curry ay may 14 puntos. (VT ROMANO)

27

Related posts

Leave a Comment