KNOCKOUT TARGET NI PACQUIAO KAY BRONER

PACMAN

(NI VTRomano)

MAKALIPAS ang walong taon at kalahati, muling nakatikim ng knockout win si Manny Pacquiao noong Hulyo 15 laban kay Argentinian Lucas Matthysse.

Ilang taon ding tila nakalimutan ni Pacquiao kung gaano kasarap ang pakiramdam kapag napapatulog niya ang kalaban at napagtantong kailangan niya itong ulitin.

Kaya, sa nalalapit niyang title defense ng WBA welterweight kontra kay Adrien Broner – target ng Fighting Senator na muling umiskor ng KO.

“I am not making a prediction, but my goal is to knock out Broner,” lahad ni Pacquiao sa kasagsagan ng kanyang training sa Freddie Roach’s Wild Card Boxing Club sa Hollywood, California.

Dagdag pa niya: “I am looking for a knockout against Broner. I have to maximize the opportunity. I forgot how much fun winning a fight by knockout was until I stopped Lucas Matthysse last summer to win the WBA welterweight title. It felt great to win that way and the fans loved it, too, so why not try for it again?”

Sina Pacquiao (60-7-2, 39 KOs) at Broner (33-3-1, 24 KOs, 1 NC) ay maghaharap sa Enero 19 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, na magsisilbi ring comeback fight ng Pinoy boxer sa US matapos ang dalawang taon kung saan huling sabak niya sa teritoryo ni Uncle Sam ay noong 2016.

6

Related posts

Leave a Comment