(Ni FRANCIS ATALIA)
UMAKYAT na sa 288 ang bilang ng mga biktima ng paputok mula sa 236 kahapon na naitala ng Department of Health (DoH) mula Disyembre 21 hanggang Enero 3.
Sa huling ulat ng DoH sa fireworks related injuries, pinakamalaking dumagdag sa mga biktima ng paputok ang National Capital Region na mayroong 27 habang lima sa Region VI, VII at III; tatlo sa Region I, XII at IV-A at isa sa Region IX.
Sa nasabing bilang, 230 ang nasabugan, 76 ang nagkaroon ng eye injury, 2 ang nakakain ng pulbura at 10 ang kailangang isailalim amputation.
Nangunguna ang boga, kwitis, piccolo, triangle, lusis at 5-star sa listahan na ginamit ng mga biktima.
Ayon kay Heath Secretary Francisco Duque III, mas mababa pa rin ng 43% ang bilang ng mga biktima kung ikukumpara sa kaso ng fireworks-related injury noong 2018.
290