‘DI PROBLEMA KUNG WALANG EXCISE TAX

PETROLYO-10

(Ni NOEL ABUEL)

Naniniwala ang isang mambabatas na kaalyado ng administrasyong Duterte na walang malaking epekto sa kita ng pamahalaan kung isuspendi ang excise tax sa mga produktong petrolyo sa unang kwarter ng 2019.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian,  hindi malaking kawalan sa kita ng pamahalaan kung itutuloy ang suspensyon sa excise tax sa mga produktong petrolyo sa unang bahagi ng 2019, sapagkat nadagdagan pa rin ang kita ng pamahalaan nang tumaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado at sumabay ang pagbagsak ng halaga ng piso kumpara sa dolyar at ito ay sa pamamagitan ng Value Added Tax (VAT).

“Actually, kung titingnan natin ang pagdepreciate ng peso at pagtaas ng presyo ng langis, nadagdagan  ang kita ng gobyerno dahil sa VAT. ‘Pag peso ang nagdepreciate nagmamahal ang imported [pero] tumataas ang VAT, so kung pinag-uusapan natin ay dagdag kita sa pamahalaan nakakuha na tayo ng dagdag kita [dahil nga sa VAT],” paliwanag ng bagitong senador.

Kaya, idiniin niyang ituloy ang suspensiyon ng excise tax ngayong papasok ang panibagong taon.

4

Related posts

Leave a Comment