WALANG plano si Anthony Davis ng Los Angeles Lakers na magtagal sa nasabing koponan.
Ito ay kung pagbabasehan ang pagtanggi niya sa $146 million maximum extension offers ng Lakers.
Nabatid na nais ni Davis na maging unrestricted free agency pagdating ng Hulyo.
Mayroong $28.7 million player option sa 2020-21 NBA season ang bagong superstar ng Lakers.
Ngayong season ay naga-average siya ng 27 points, 9 rebounds, 3 assists at 2 blocks.
Samantala, nagkaroon ng bruised sacrum si Davis makaraang patihayang bumagsak matapos niyang tangkaing i-block si Julius Randle ng New York Knicks, mahigit dalawang minuto ang nalalabi sa third quarter.
Nanalo ang Lakers konta Knicks, 117-87, Miyerkoles (Manila time), kahit hindi na nakabalik sa laro si Davis.
Bumida para sa Lakers si LeBron James na umiskor ng 31 points at Kentavious Caldwell-Pope na nagdagdag ng 15.
Nanguna naman para sa Knicks si R.J. Barrett sa kanyang 19 points, at Randle, 15 points at 10 rebounds.
Sa naiposteng ika-30 panalo, sinamahan ng Lakers ang NBA-leading Milwaukee Bucks bilang tanging mga koponan na may 30-games win ngayong season.
Huling naka-30 win ang koponan noon pang 2008-09 season, nang pangunahan ni Kobe Bryant ang Lakers sa 15th NBA titles nito.
123