MERALCO UMISKOR NG IKATLONG PANALO

pba23

(NI JJ TORRES)

LARO NGAYON:

YNARES CENTER, ANTIPOLO

4:30 P.M. – NLEX VS BLACKWATER ELITE

6:45 P.M. – TNT VS SAN MIGUEL BEER

NAGSUMITE si Gani Lawal ng 28 points, may 26 rebounds para bitbitin ang Meralco sa pag-iskor ng ikatlong panalo, nang talunin ang kulang sa taong Phoenix Pulse, 101-95, kagabi sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Bukod sa double-double effort, si Lawal ay nagbigay rin ng 3 blocks at 2 assists.

Ang Fuel Masters, na hindi lang si suspended forward Calvin Abueva ang na-miss sa laro, kundi maging ang head coach nitong si Louie Alas, na pinatawan ng 2-game suspension.

Si Abueva ay may ‘indefinite suspension’ naman bunga ng magkasunod na insidenteng kinasangkutan sa nakalipas na laro ng Phoenix laban sa TNT KaTropa.

Hindi rin napakinabangan nang todo ng Phoenix ang bagong import na si Rich Howell, na halatang may jet lag at nakapag-ambag lamang ng 8 points.

Samantala, muling dadayo ang PBA Commissioner’s Cup sa Ynares Center sa Antipolo City para sa double-header ngayong hapon.

Tatangkain ng Governors’ Cup champion San Miguel Beer na maitala ang unang panalo sa pagharap kontra TNT KaTropa sa alas-6:45 ng gabi.

Ang Beermen ay lumasap ng 121-88 pagkatalo sa kamay ng NorthPort noong Miyerkoles sa kanilang unang laro.

Sa alas-4:30 naman ng hapon ay magsasagupa ang NLEX at Blackwater Elite.

Ang Blackwater ay may 4-1 win-loss card.

153

Related posts

Leave a Comment