Pacquiao balik sa pagboboksing

WALANG sinumang boksingero ang umalis sa sport “sa oras na dapat na!” May mga naglakad palayong iika-ika upang muling bumalik makaraan ang ilang panahon.

Ang tukso ng limpak-limpak na salapi, ­kapangyarihan, papuri at kasikatan ay ilan ­lamang sa mga kadahilanan kung bakit paulit-ulit na ­bumabalik sa ibabaw ng ring ang mga boksingero. Nangyari ito noon kay “The Greatest” ­Muhammad Ali at “Smokin” Joe Frazier, na matapos ang ­bugbugang halos kapwa nila ikamatay sa “Thrilla in Manila” noong 1975 ay patuloy pang lumaban.

Maging ang maalamat na Pinoy boxer na si Gabriel “Flash” Elorde, kinailangan pang mismong Games and Amusements Board ang nagpa­retiro sa kanya matapos siyang matalo sa isang ‘di kilalang boksingero na si Hirojuki Murakami. Ayon sa ulat, tatlong taong gulang lamang ang Hapones nang ang Pinoy ay unang sumabak sa four-­rounder.

At mukhang muling mauulit ang ‘Flash ­history’ kay world eight division champion Manny ­Pacquiao. Ito ay kung pagbabasehan ang ulat ng World Boxing News na muling aakyat sa ­parisukat na lona sa Disyembre ang ‘Pambansang Kamao’ para sa isang exhibition bout kontra Korean martial arts teacher na nagngangalang DK Yoo. “Manny Pacquiao will return to action in a 2022 exhibition bout after a year out of the ring retired,” ayon sa WBN. “A date is to be announced this week for the contest to happen at the back end of the year.”

Kinumpirma naman ni Yoo, isa ring stunt movie coordinator, ang naturang balita. “I have told you I’ll fight against one of the best fighters in the world. I tell you right now who my next opponent is. I’m going to fight against Manny Pacquiao,” sabi nito sa YouTube video kung saan may sagot na pahayag si Pacquiao: “DK Yoo, see you in the special event this coming December.God bless you and be safe.”

Samantala, hindi raw siya pipitsuging kalaban, giit ng Koreano: “I have experienced various types of martial arts including boxing, kung-fu, wushu, judo, as well as track and field. I have met with the experts from each martial art, interacted and grasped the core of each martial art through analyzing the advantages and disadvantages. To test the movements, I have sparred with many people and have had combat experiences. These experiences and the research I have conducted led to what I am today.”

Makaraang matalo kay Yordenis Ugas noong Agosto 2021, ipinahayag ni Manny ang kanyang pagreretiro para makapagpokus sa kanyang kandidatura sa pagka-pangulo ng Pilipinas. Ngunit matapos matalo sa halalan noong Mayo 9, naglabasan ang mga balitang muli siyang babalik sa boksing.

Gaya ng kanyang mahigpit na katunggali na si Floyd Mayweather Jr., isa ring wais na ­negosyante na matapos magretiro ay bumalik sa ring sa ­exhibition matches, umaasa ang Sala sa Init, Sala sa Lamig na magtagumpay rin si Pacquiao — at huwag matulad kay Flash.

55

Related posts

Leave a Comment