PACQUIAO NAGPATUTSADA KAY MAYWEATHER

manny500

(NI VTROMANO)

PINATUTSADAHAN ni Filipino ring icon Manny Pacquiao si retired undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr.

Bagamat walang pangalang binanggit, halatang si Mayweather ang pinatamaan ng New Year tweet ni Pacquiao: “Here is an early New Year’s resolution,” Pacquiao wrote in a Tweet. “To continue to only fight experienced opponents who are my size or bigger.”

At naka-tag ang @PBC, @TGBPromotions, @SHOSports, @ShowtimeBoxing, @MGMGrandGarden and @AXS. At hashtag #PacquiaoBroner.

Ang nasabing tweet ni Pacquiao ay patungkol sa first round knockout win ni Mayweather kay Japanese kickboxer Tenshin Nasukawa sa isang exhibition match sa Japan nitong Lunes.

Dalawang minuto lang ang kinailangan ng 41-anyos na si Mayweather para tapusin si Nasukawa, na tatlong beses bumagsak bago itinigil ni referee Kenny Bayless ang mismatch bout.

Ang tweet ni Pacquiao ay may kinalaman sa pagiging inexperiencd ni Kasunawa bilang boksingero sa edad 20, bukod pa sa higit na mas maliit ang timbang nito, 126 pounds, kumpara sa 147 pounds na si Mayweather.

Si Pacquiao, 40, ay subsob ngayon ang ensayo para sa nalalapit na 12-round WBA welterweight fight kontra kay Adrien Broner

15

Related posts

Leave a Comment