‘LOCAL ISIS’ NASA LIKOD NG PAGSABOG

isis

MINAMANMANAN ngayon ng pulisya ang posibilidad na isang local terrorist group na may ugnayan sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang nasa likod ng pagsabog na pumatay sa dalawa katao at nakasugat sa 39 sa Cotabato City, ayon kay Philippne National Police (PNP) spokesperson Chief Supt. Benigno Durana,Jr.

Sinabi ni Durana na ang improvised explosive device na ginamit sa pagsabog ay katulad ng signature composition ng mga pampasabog na ginagamit ng ISIS-inspired local terrorist groups.

“Ang uri ng bomba ay nanggagaling lamang sa Daesh-inspired o ISIS inspired terrorist group doon sa Mindanao,” sabi ni Durana.

Gayun man, hindi rin binabalewala ng mga pulis sa anggulong isa pang terrorist group na sangkot sa pag-atake ngunit nakasentro sila ngayon sa ISIS-inspired group.

Hindi rin tinitingnan ang anggulong kagagawan ito ng rebeldeng komunista dahil hindi umano nagsasagawa ng operasyon ang mga rebelde sa lugar.

Nangako rin si Durana na alamin nila ang ugat sa pambobomba at aarestuhin ang mga nasa likod nito.

11

Related posts

Leave a Comment