PBA Commissioner’s Cup Finals TENORIO TAPOS NA?

Ni ANN ENCARNACION

WALANG katiyakang makalalaro si Barangay Ginebra ­veteran point guard LA Tenorio sa Game 6 ng 2022-23 PBA Commissioner’s Cup Finals bukas (Miyerkoles).

Ito’y makaraang kumpirmahin ni Kings coach Tim Cone na nagtamo ang kanilang team captain ng groin injury sa 101-91 win ng Ginebra kontra Bay Area sa Game 5 ng best-of-seven finals series noong Linggo.

Ayon kay Cone, natamo ni Tenorio ang injury nang bumagsak at nahaltak ang singit nito bago ang halftime. Agad nagpa-sub si Tenorio, walong segundo ang natitira sa first half.

“He got some therapy at halftime, and he said he felt OK, he could play. And then I asked him if he wanted to start [the third quarter]. He said, ‘Yes, I want to start and try it out,’ and after the first possession, he goes, ‘No more. I can’t do it,'” paliwanag ng Ginebra mentor.

Kailangan ng sapat na panahon upang gumaling ang ­manlalarong may groin injury. Dahil dito, nanganganib maputol ang “Ironman” streak ni Tenorio.

Nasa ika-16 season sa liga ang 38-anyos na point guard, na isa sa ‘alas’ ng Kings kontra Dragons. Katunayan, may walong puntos, isang rebound, tatlong assist at isang steal siya sa halos 20 minutong pagsalang sa Game 5.

Hindi pa lumiban sa laro si Tenorio simula nang ma-draft sa PBA noong 2006, at kahit noong college days niya sa Ateneo.

135

Related posts

Leave a Comment