PCA OPEN 12-AND-UNDER EVENT: NUGUIT, EMANA KAMPEON

Kinopo ni Sherwin Ray Nuguit ang kanyang unang 12-and-under boys title sa first leg ng Age Group events ng PCA Open, nang maitakbo ang 6-1, 4-6, 6-3 win laban kay Gerald Gimeda ng Ormoc City sa Philippine Columbian Tennis Courts sa Plaza Dilao noong Linggo.

Ibinulsa naman ni national team member Mika Ella Emana ng Sta. Mesa ang 12-and-under Girls’ plum, nang dispatsahin ang teammate at second seed na si Angeline Alcala ng Lucena City, 6-4, 6-2.

Si Nuguit, winner sa 10-under Unisex Champion noong 2017, ay umabante sa final round nang talunin si Joshua Diva, 6-3, 6-0 sa semifinals. Si Gimeda, sa kabilang banda ay nagtala ng upset nang talunin si top seed Junior Costa, 6-4, 6-2.

Sa iba pang events, idinagdag ni Kean Enriquez sa kanyang listahan ng titulo sa taon ang PCA trophy, nang gapiin si Kriz Roque, 2-4, 4-1, 4-2 sa 10-and-under Unisex title.

Kinahapunan, ka-tandem ni Lim ang kanyang Kuya Prince ay hinablot nila ang 10-and-under doubles title laban sa tambalan nina Kean Enriquez at Gavin Kraut, 8-6.

Magpapatuloy ang PCA Open Age Group event sa Nobyembre 23-26 para sa 14-under, 16-under at 18-under events sa PCA Tennis Courts sa Plaza Dilao.

7

Related posts

Leave a Comment