BRASO PUTOL SA GITGITAN

Putol ang braso ng isang lalaki matapos maipit nang makagitgitan ang sinasakyan niyang bus at isa pang kasabay na bus sa lungsod ng Quezon.

Patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang hindi pa nakikilalang lalaki.

Ayon sa impormasyon mula sa Quezon City traffic division, nangyari ang insidente bandang alas-9:30 ng umaga kanina sa bahagi ng Kamuning, EDSA sa southbound.

Sa kuwento ng driver ng bus na may biyaheng Baclaran at Pasay, nakasakay ang biktima nang makatulog ito sa biyahe kaya hindi namalayan na lumawit ang kamay sa labas ng bus.

Sa kamalasan ay nasangkot sa aksidente ang bus nang makagitgitan ang isa pang bus.

Nang mabilis naman ang pagresponde ng rescue teams ng MMDA at nilapatan ng paunang lunas ang biktima.

Depensa ng bus driver, hindi umano maaaring ipasa lahat sa driver ang pananagutan sa sinapit ng biktima dahil kapabayaan din nito ang nangyari.

6

Related posts

Leave a Comment