MISS UNIVERSE HANDA NANG IPASA ANG KORONA

Sa darating na December 16, ang reigning Miss Universe na si Demi-Leigh Nel-Peters, mula sa South Africa, ay nakatakdang ipasa ang kanyang korona sa susunod na winner.  Ang pageant ay gagawin sa Bangkok, Thailand.

Sabi ni Nel-Peters, nagfo-focus siya sa mga gawaing malapit sa puso niya habang papalapit na ang araw na iyon.

“I’ve been working with God’s Love We Deliver since I started my reign as Miss Universe,” sabi niya sa interview ng Page Six.

“I’ve just grown to love the organization so much, and it’s amazing what they do. I love to support them everywhere I can,” dagdag pa ng beauty queen.

Sabi pa niya, siguradong mam-miss niya ang mga tao at organizations na nakatrabaho niya pero she’s also looking forward to life after her reign: “They’ve been so supportive and so helpful throughout the whole year. I’m saying goodbye to one part of my life and also getting excited for next year.

Sa susunod na taon, siya ay magbe-base na sa Manhattan, New York at susubukan niyang pasukin  ang fashion industry.

“I recently signed with IMG Models, so I’ll be working full-time with them,” paglalahad pa niya.

Ang susunod na Miss Universe pageant ay iho-host nina Steve Harvey at Ashley Graham.

8

Related posts

Leave a Comment