(NI JOSEPH BONIFACIO )
INDEFINITE suspension ang ipinataw na parusa ng Philippine Basketball Association (PBA) kay Phoenix Pulse star player Calvin Abueva nitong Martes. At walang magagawa ang management ng koponan kundi tanggapin ang naging hatol.
Gayunpaman, umaasa ang Fuel Masters na ang nasabing hatol ay hindi lang gagawin sa kanila, kundi sa lahat at kahit sino pa ang maging sangkot sa mga darating na panahon.
“While we do not agree with the decision, we have no alternative at the moment except to abide by it,” anang Phoenix.
“We no longer wish to comment on the basis of the decision but just expect and hope that incidents like this in the future will be treated similarly and decided the same manner regardless of the player involved. This is already a decision precedent that should be used as basis in deciding similar infractions.”
Pinatawan ng PBA si Abueva ng tumataginting na P70, 000 at indefinite suspension simula ngayon dahil sa magkasunod na insidenteng kinasangkutan niya.
Ang P20, 000 sa multa ni Abueva at para sa verbal altercation sa isang fan na girlfriend ni Bobby Ray Parks Jr., ng Blackwater, kung saan pinakitaan niya ng ‘lewd gesture’, habang ang P50, 000 ay dahil sa flagrant foul penalty 2 (FFP2) infraction niya kay TNT import Terrence Jones.
Bago ang FFP2 ni Abueva, nakita munang tinira siya ni Jones sa maselang bahagi ng katawan.
Dito na nag-init ang ulo ng Phoenix player, at ginantihan ang import.
Maging si Jones ay pinagmulta rin ng P70,000 (dahil sa groin hit kay Abueva), at tig-P20,000 naman sa magkapatid na David at Anthony Semerad.
Malaking P21, 000 na multa din ang natanggap ni TNT consultant Mark Dickel dahil sa pagbato ng bola sa opisyal, P5, 000 kay Don Trollano dahil sa FFP1 nya kay Alex Mallaro habang P1, 000 kay Jayson Castro dahil sa verbal altercation kontra kay Jason Perkins.
Sa kampo naman ng Phoenix, nadale ring n P40, 000 na multa si coach Louie Alas at two games suspension matapos din masangkot sa gulo at paglahad ng pahayag na maaaring makasama sa liga, P5, 000 din kay Mallari dahil sa FFP1 nya kay Trollano habang tig-P1, 000 sila Rob Dozier at Jason Perkins dahil sa verbal altercations.
129