Pinay Samantha Catantan team captain ng Penn State

BIHIRANG pagkakataon na isang homegrown Filipino athlete ay gawing team captain sa sports sa malaking unibersidad sa Estados Unidos.

Kaya malaking karangalan ang mapili si Samantha Kyle Catantan na team captain ng women’s Penn State Fencing, habang ang kakampi nitong si Arwen Borowiak para sa men’s team.

Ang taga-Quezon City na si Catantan, nasa senior year sa kursong accounting sa Penn State, ay naging bronze medalist sa NCAA Fencing Championships sa kanyang rookie season noong 2021.

Bahagi rin siya ng pambansang koponan sa nakaraang 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia na nag-ambag ng silver medal sa Team PH.

(Ann Encarnacion)

451

Related posts

Leave a Comment