PP 45:  PINOY VS MEXICAN, GHANAIAN BOXERS SA SABADO

CEBU — Nakatakdang dumating sa Lunes (Nobyembre 19) ang dalawang Mexican warriors at isang Ghanaian national champion upang makipagbakbakan sa mga Pinoy boxers na itatampok sa Pinoy Pride 45 triple WBO regional championships.

Gaganapin ang sagupaang handog ng ALA Promotions sa Nobyembre 24 sa IEC Convention Center ditto.

Si Victor Uriel Lopez  (13-6-1, 6KOs) ng Mexico City ay haharapin si Jeo Santisima para sa WBO Oriental super bantamweight title, habang si Victor Hugo Reyes (8-1-1, 7Kos) ng Tijuana ay makikipagtipan naman kay unbeaten KJ Cataraja para sa bakanteng WBO Youth superflyweight title.

Kasamang darating ng dalawa ang kani-kanilang managers na sina Antonio Lozada at David Padilla sa alas-dos ng hapon.

Habang si George Krampah (14-3-0, 12KOs) ng Accra, Ghana na tatangkaing agawin kay Prince Albert Pagara ang WBO InterContinental superbantamweight belt, ay darating ng alas-5:15 ng umaga kasama ang trainer niyang si Frank Asante.

Mapapasabak din ang nagbabalik na si world title challenger Jonas Sultan laban kay Ardin Diale; habang haharapin ni two-time world title challenger Arthur Villanueva si Carlo Demecillo; sasagupa naman si Lorenz Ladrada kay Ramel Antaran; si Go Hosaka versus Jason Tinampay at debut naman ni Regie Suganob at Mark Torela.

Sa Biyernes ang official weigh-in sa SM City Cebu simula alas-onse ng umaga.

9

Related posts

Leave a Comment