SUMALI na si Stanley Pringle ng unang praktis kasama ang Brgy. Ginebra nitong Huwebes, isang araw matapos i-trade ng NorthPort.
Nakisali na si Pringle sa bagong ka-tropa upang mapag-aralan ang sistema ni head coach Tim Cone.
Nitong Martes ay inaprubahan ng PBA ang trade kay Pringle, kapalit nina Sol Mercado, Jervy Cruz at Kevin Ferrer, na tumapos sa limang taong paglalaro niya sa NorthPort.
Matapos ang praktis, nag-post si Pringle sa kanyang Instagram account ng larawan ng 2014 draft kung saan siya hinugot bilang no. 1 ng GlobalPort. At pinasalamatan niya ang dating koponan.
“Couldn’t be more thankful and grateful for the journey. Stay focused, stay consistent, stay positive, and keep moving forward.”
Inaasahang sasalang na si Pringle sa out-of-town game ng Brgy. Ginebra laban sa NLEX sa Linggo sa Batangas City Coliseum.
Si Pringle ay lumiban ng ilang laro sa NorthPort matapos operahan kung saan tinanggal ang bone spurs sa kanyang sakong.
***
NAKAALPAS ang NorthPort Batang Pier laban sa Rain Or Shine at itinala ang 107-105 win kagabi sa PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena.
Bunga nito, sumosyo ang Batang Pier sa TNT KaTropa sa tuktok ng standings sa parehas na 6-1 win-loss card.
Hindi pa sumalang ang mga bagong addition sa NorthPort na sina Sol Mercado, Jervy Cruz at Kevin Ferrer. Ang tatlo ay kasali sa blockbuster trade kapalit ni Stanley Pringle.
137