‘RED CARPET’ KAY TADURAN

KATULAD ni eight-division world champion Manny Pacquiao, natikman din ng sumisikat na si Pedro Taduran Jr, ang ‘red carpet welcome’ sa opisina ng Games and Amusement Board (GAB) sa Makati City.

Walang alingasngas ang pagbabalik-bayan ng 23-anyos na pambato ng Libon, Albay ngunit siniguro ni GAB Chairman Abraham “Baham” Mitra, kasama sina Commissioner Ed Trinidad, Mar Masanguid at mga empleyado ng pro boxing agency, na matitikman ng Pinoy champion ang hero’s welcome.

“Masayang-masaya po ako. Hindi ko akalain na bibigyan ako ng ganitong programa ng GAB,” wika ni Taduran. “Umasa po kayo na pag-iigihan ko pa ang ensayo para makapanalo pa rin tayo sa susunod na laban.” pahayag ni Taduran.

Binigyang karangalan ni Taduran ang bansa nang talunin niya via Referee-Stop-Contest si (first name?) Valladares sa kanilang duwelo Pebrero 1 sa Jardin Cerveza Expo, Guadalupe, Nuevo León, Mexico.

Kapana-panabik at punong-puno ng aksiyon ang duwelo sa unang tatlong round bago naganap ang hindi inaasahsang ‘accidental headbutt’ na nag-iwan ng malalim na sugat sa ibabaw ng kanang mata ng Mexican.

Matapos masuri ng ring doctor, inirekomenda nito na huwag nang ituloy ang laban, kaya tuluyang itinigal ng reperi ang laban sa ikaapat na round.

“We are very proud and happy sa napakahusay na labang ipinakita ng ating champion at tunay siyang nakakabilib considering that the fight was held in Mexico, sa harap ng hometown crowd. Ngayon, we have 4 world champions, siyempre we have Senator Manny, (first name?) Casimero, Jerwin Ancajas, and now we have Pedro Taduran. We are hoping to add more Pinoy champions this year,” pahayag ni Mitra.
Ipinagkaloob ng GAB Boxing and Contact Sports Division ang 2019 Boxer of the Month award, gayundin ang ‘plaque of appreciation’ kay Taduran.

Pinasalamatan naman ng kampeon ang pamunuan ng GAB, gayundin ang mga empleyado, supporters, coaches at kanyang pamilya, at ang kanyang Team Taduran family sa pangunguna ni MP matchmaker Sean Gibbons.

Iginiit naman ni Gibbons na malaki ang naging papel ng GAB para sa katuparan ng pangarap ng mga boxer na makapagbigay ng karangalan sa bansa at mahango ang pamilya sa kahirapan. DENNIS INIGO

 

222

Related posts

Leave a Comment