RED LIONS, DUMIKIT SA SWEEP

(PHOTO BY MJ ROMERO)

TATLONG panalo na lang ang kailangan ng defending champion San Beda University para ma-sweep ang eliminations ng NCAA Season 95, matapos talunin ang karibal na Colegio de San Juan de Letran, 75-63 kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Agad ipinaramdam ng San Beda ang lakas nang gumamit ng 17-1 run, bago nakabawi ang Knights at tinapos ang halftime na walo lamang ang abante ng kalaban, 42-34.

Pagtuntong ng third quarter, sinimulan ng Letran sa pamamagitan ng paghugot sa unang walong puntos, na tinampukan ng dalawang charities ni Jerrick Balanza para itabla sa 42-all ang iskorm 6:21 na lang.

Subalit, hanggang doon na lang ang nagawa ng Letran, dahil ang sumunod na eksena ay nagpasabog ang Red Lions ng 20-0 bomba kasama ang three-point shot ni Clint Doliguez, habang nagkasunud-sunod naman ang turnover ng Knights, tungo sa 62-42 lead ng Red Lions sa payoff period. Isama pa rito ang nine points ni Clint Oftana, ang nangungunang MVP candidate matapos ang first round.

Pero, sa kabila na tatlong panalo na lamang ang layo tungo sap ag-sweep ng elims, ayaw pakasiguro ni San Beda coach Boyet Fernandez.

“Let’s discuss the situation when it comes. We’re just thinking of getting one more win from our last three wins. The challenge is to be the no. 1 team at the end of the eliminations,” lahad niya.

Ito ang ika-15 sunod na panalo ng San Beda, pang-29 na sunod buhat pa sa nakaraang season.

Ito ang ikalawang sunod na talo ng Letran at nalaglag sa 9-6.

“Well, it’s really the players who really worked hard for this,” wika pa ni  Fernandez. “Our defense really stepped up after they had the 8-0 run… At least naka-recover kami.”

Tumapos si Oftana na may 16 points at six rebounds, habang si Doliguez ay may 13 points. May 12 points, seven assists at two rebounds naman si Evan Nelle at wala siyang error sa 35 minutong pagsalang.

Ang iskor:

SAN BEDA 75 — Oftana 16, Doliguez 13, Nelle 12, Canlas 12, Bahio 6, Soberano 6, Tankoua 4, Carino 4, Visser 2, Abuda 0, Noah 0, Cuntapay 0.

LETRAN 63 — Muyang 13, Caralipio 11, Balanza 11, Ambohot 9, Reyson 5, Ular 4, Mina 3, Balagasay 3, Batiller 2, Pambid 2, Yu 0, Sangalang 0, Javillonar 0.

Quarter scores: 24-16, 42-34, 62-42, 75-63.

143

Related posts

Leave a Comment