(NI DENNIS IÑIGO)
SARIWA pa mula sa kanilang gold medal finish sa 2019 Southeast Asian Games, tatangkain naman ni Sean Aranar at partner niyang si Ana Nualla na magwagi sa 2019 Giai Vo Dich KVTT T&T DanceSport Cup Invitational Open competition bukas (Disyembre 22) sa Ho Chi Minh, Vietnam.
Tatlong gintong medalya ang naibulsa nina Aranar at Nualla sa katatapos lang na 30th SEAG na ginanap sa Pilipinas.
Magko-compete sina Aranar at Nualla sa amateur standard open five dance category laban sa powerhouse Hong Kong, host Vietnam, Thailand at China.
Naka-gold ang dalawa sa SEAG sa Viennese waltz, tango, at five dance mixed events.
Umaabot sa P2.250 million cash incentives ang nakuha ng dalawa mula sa Philippine Sports Commission (P300,000 bawat ginto), Malacañang (P250,000 bawat ginto) at Philippine Olympic Committee (P200,000 bawat ginto).
Maliban kina Aranar at Nualla, kasali rin sa Giai Vo Dich KVTT T&T DanceSport Cup Invitational Open competition ang pares nina Michael Angelo Marquez at Stephanie Sabalo.
Ipinahayag naman ni DanceSport Council of the Philippines head Becky Garcia will na magsasagawa sila ng first quarter competition sa Marso 14, 2020.
218