SINO’NG TATAPAT SA SAN BEDA?

ISKEDYUL BUKAS:

(CUNETA ASTRODOME, PASAY CITY)

1:00 P.M. – SSC-R VS LYCEUM (JRS)

4:00 P.M. – LYCEUM VS LETRAN (SRS)

 

SINO’NG makakasagupa ng defending champion San Beda Red Lions sa best-of-three series?

Sasagutin ng Lyceum of the Philippine University Pirates at Letran Knights na magbabalyahan para sa huling Finals berth ng NCAA men’s basketball tournament.

Sasalang sa step-ladder semifinals ang dalawang koponan sa alas-4:00 ng hapon.

At ang survivor ang siyang makakasagupa ng San Beda simula sa Martes.

Ang second-ranked Pirates ay umaasang makaharap ang Red Lions sa ikatlong sunod na taon, habang ang No. 3 Knights ay tatangkaing muling makasagupa ang karibal sa finals.

Huling nagharap ang Letran at San Beda sa championship noong 2015.

Hindi pa tinatalo ng Letran ni coach Bonnie Tan ang Lyceum ngayong season, pero naniniwalang kaya itong gawin ngayon ng Knights.

“We will do our best. It’s a big challenge for my team. I hope we can pull through because one game na lang. May kasabihan, may tira, may tsamba. Eh nandito na kami,” komento ni Tan.

Noong Martes sa 85-80 panalo laban sa Stags, ang Knights ay tinalo ng Stags sa rebounding department, 36-48, na malaking problema para kay coach Tan, dahil na rin sa presensya ni Pirates big man Mike Nzeusseu.

“We have to check on that. We were always winning sa rebounding, pero ngayon (against San Sebastian), we were outrebounded,” dagdag ni Tan.

Ang concern naman ng Lyceum ay ang ‘bench depth’ ng Letran.

Laban sa Stags, ang Knights ay may anim na player na nagsumite ng double-digit bumbers sa pangunguna ni graduating forward Jerrick Balanza na may 15 markers.

“I prefer a team with a balanced scoring,” wakas ni Tan. (PHOTO BY MJ ROMERO)

361

Related posts

Leave a Comment