‘SMALL BUT TERRIBLE’ BARROCA NAGPANALO SA MAGNOLIA

Nagtangkang humabol ang Alaska, pero pinigil ito ni Mark Barroca, ang pinakamaliit sa line-up ng Magnolia, nang magpakawala ng pito sa kanyang 16 puntos.

Napakahalaga ng eksenang ito dahil ito nagselyo ng Hotshots sa panalong 100-84 puntos.

Bentahe na ang Magnolia, 1-0, sa best-of-seven series ng PBA Governors’ Cup finals sa laro nitong Miyerkoles ng gabi.

Top scorer si Romero Travis sa Hotshots na 29 points, may 13 rebounds at 5 assists.

Si Barroca, bukod sa 16 puntos, ay may anim na steals, tatlong assists at dalawang board.

“He knows how to play in a championship series, he’s one of my veteran guards. He did a good job at both ends of the floor,” lahad ni Magnolia coach Chito Victolero patungkol kay Barroca, ang ‘Small but terrible’ guy ng tropa.

Inakala ng Magnolia na hindi na makakahabol pa ang Alaska matapos nila itong tambakan ng 21 puntos.

Pero, nagawang magpasabog ng Aces ng 12-0 run na nagpababa sa abante ng Magnolia, 84-76, 4:24 sa laro.

Naamoy ni Barroca na nauubos ang kanilang kalamangan –at dito na siya umatake at  umiskor ng limang magkakasunod na puntos para manatili ang kalamangan ng Magnolia.

May 20 points naman si Mike Harris para sa Aces.

Ang iskor:

Magnolia 100 – Travis 29, Barroca 16, Lee 14, Sangalang 10, Herndon 9, Melton 7, Reavis 4, Simon 4, Brondial 0, Dela Rosa 0, Pascual 0, Mendoza 0.

Alaska 84 – Harris 20, Banchero 12, Teng 10, Enciso 9, Casio 7, Racal 6, Manuel 6, Pascual 5, Thoss 3, Galliguez 3, Cruz 3, Baclao 0, Exciminiano 0, Andrada 0.

Quarters: 24-14, 52-40, 77-58, 100-84.

5

Related posts

Leave a Comment