P204-M DRUG CHEMICALS NADISKUBRE SA SHABU LAB SA SAN JUAN CITY

Tinatayang 30 kilong kemikal sa paggawa ng shabu na makagagawa ng P204 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang bahay sa San Juan City.

Ayon kay Director Guillermo Lorenzo Eleazar, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nakumpiska ang 30 kilong kemikal sa paggawa shabu na makagagawa ng shabu na ang aabot sa P204 milyon ang halaga.

Nakumpiska rin ng iba’t ibang yunit ng NCRPO, kabilang ang pulisya ng San Juan, Eastern Police District (EPD), Northern Police District (NPD), at iba ang mga kagamitan sa paggawa ng shabu.

Ayon sa inisyal na impormasyon, may nadakip na isang tao, ngunit ayaw pang ilabas ang kanyang pagkakakilanlan hanggang ngayong 3:22 p.m. dahil iniimbestigahan pa ang nasabing tao upang makakuha ng maraming impormasyon.

Isinagawa ang operasyon dakong 7:30 a.m. kanina sa No. 5 Arthur Street, North Greenhills, saad ni Eleazar.

Ang operasyon ay nakabatay sa search warrant na inisyu ni Judge Danilo Cruz ng Pasig City Regional Trial Court Branch 152.

8

Related posts

Leave a Comment