STA. ROSA COCKERS ALLIANCE (SRCA) NI BOSS RICHARD ‘RIPER’ PEREZ ILULUNSAD SA HULYO 5

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG

HALATANG atat na ang mga sabungero sa pagbabalik ng normal na operasyon ng e-sabong sa bansa.

Ngunit wala pang eksaktong petsa kung kailan ito bubuhayin muli. Kaya inaabangan ito ng mga talpakeros at talpakeras.

Maliban dito, excited na rin ang mga sabungero sa ­paglulunsad ng Santa Rosa Cockers Alliance (SRCA) ni Boss Richard ‘Riper’ Perez.

Kung hindi ako nagkakamali, ang launching ng SRCA ay ­gaganapin sa July 5, 2022 (Martes), bandang alas-11:00 ng umaga sa Summer Palace Restaurant, Edsa Shangri-La Hotel na matatagpuan sa Mandaluyong City.

Aba’y maliban kay Perez, kasama rin sa mga founder ng alyansa sina Boss Dave Lao at Boss Boy Royo.

Para sa mga hindi pa nakakaalam, si Perez ang may-ari ng modernong Ripers Sports Santa Rosa Mega Cockpit sa Santa Rosa City, Laguna.

Tinatayang 95 members ang inaasahang lalahok sa SRCA. Siyempre, halos lahat sa mga magiging miyembro ay mga commercial breeders at lumalaro sa Pitmaster Live o WPC Online Sabong.
Pambihira ang pagkakataong ito na magkakasama-sama ang bayang sabungero.

Kaya inaanyayahan ang lahat na dumalo sa pagtitipong ito.

Maliban sa Sabong Nation, kasama rin sa coverage ng paglulunsad ng SRCA ang ‘Sabong On Air’ ng inyong lingkod sa DZME 1530 AM.

Alam n’yo ba na dinarayo ng mga sabungero ang Riper Sports Santa Rosa Mega Cockpit ni Boss Richard dahil sa super linis nito at talaga namang moderno o state-of-the-art.

Napakaganda ng sabungan na ito. Isa pa, may VIP at talaga namang patas ang bawat laban sa Ripers Sports na pinamumunuan ng kanilang mabait at masipag na pit manager na si Boss Garry Tesorero.

At hindi ka rin matatakot na mahawa ng virus kasi mahigpit na ipinatutupad ang mimimum health protocol.

Maraming big events ang ­inaabangan ng bayang ­sabungero sa mga susunod na araw.

Abangan!

Related posts

Leave a Comment