SUNS MINALAS SA CAVS

NAGTULONG sina Darius Garland at Donovan Mitchell, may tig-22 puntos, sa 112-98 win ng Cleveland Cavaliers kontra host Phoenix Suns.

Ikaapat na panalo ito ng Cavs sa five games at ikalawang beses tinalo ngayong linggo ang Suns matapos ang 90-88 win noong Miyerkoles.

Wala sa lineup ng Phoenix sina All-Star backcourt tandem Chris Paul at Devin Booker, dahilan para sa ikaanim sunod nitong kabiguan at nine of 10, tungo sa 20-21 record, first time na mag-under .500 sa season.

Sa Oklahoma City, sinamantala ni Shai Gilgeous-Alexander, may 33 points at ng Thunder ang absence ni Luka Doncic, para talunin ang Dallas Mavericks, 120-109.

Inabangan ang dapat sana’y showdown ng league’s top ­scorers na sina Shai at Luka, ngunit hindi sumabak sanhi ng sore left ankle kasunod ng 34 points, 10 rebounds at 10 assists performance sa panalo noong Sabado kontra New Orleans Pelicans. (VT ROMANO)

27

Related posts

Leave a Comment