Team PH sa 2022 World Games HISTORIC 1st GOLD NI TSUKII

MAKASAYSAYAN ang gold medal performance ni Filipino-Japanese karateka Junna Tsukii sa 2022 World Games sa Birmingham, Alabama.

Nakakuha agad ng ginto si Tsukii sa unang pagsalang sa torneo sa women’s Kumite -50kg matapos dominahin si Yorgelis Salazar ng Venezuela, 2-0, sa final round.

Ngunit bigo si Asian powerlifting champion Joyce Gail Reboton na sundan ang magandang simula ni Tsukii para sa Philippine team nang tumapos na 9th overall sa women’s heavyweight category.

Si Reboton ang flag-bearer ng pambansang delegasyon na kinabibilangan din ni first and only Pinoy World Games (2017) gold medalist Carlo Biado, na tinalo
si Jayson Shaw ng Great Britain sa finals ng men’s nine-ball sa Wroclaw, Poland.

Maliban kay Biado, kasama rin sa Team PH si cue artist Rubilen Amit; Kim Mangrobang, John ­Chicano at Fernando Caseres sa duathlon; Ju-jitsu world champ Annie Ramirez; at Muay Thai Philip Delarmino at Leeana Bade.

Ang World Games ay ­nagsimula Hulyo 7 at magtatapos sa 17. (ANN ENCARNACION)

60

Related posts

Leave a Comment