TEPORA HINUBARAN NG KORONA

tepora

(NI VTROMANO)

LAS VEGAS – – SINAYANG ni Filipino WBA interim featherweight champion Jhack Tepora ang pagkakataong mapanood sa mas malaking entablado, nang mabigo itong makuha ang kanyang timbang sa official weigh-in, Biyernes (Sabado sa Manila).

Si Tepora ay tumimbang ng 131 1/2 pounds, sobra ng 5.5 pounds para sa 126-pound championship fight weight limit laban kay Hugo Ruiz.

Nitong Huwebes, nakausap ng Pinoy mediamen si Tepora, kumpiyansa nitong sinabi na kaya niyang bawasin ang six pounds na sobra sa timbang niya. Katuwiran niya ay ganoon din daw ang nangyari sa kanya nang lumaban sa Malaysia.

Pero, bigo si Tepora. Ikinatuwiran pang wala daw nagsabi sa kanyang malamig dito sa Las Vegas, kaya’t nahirapan siyang magpapawis.

Dahil sa nangyari, napilitan ang organizers na tanggalin si Tepora sa undercard. Pinalitan siya ni Alberto Guevarra ng Mexico (27-3, 12 KOs).

Hinubaran din si Tepora ng kanyang WBA interim featherweight crown.

Base sa regulasyon, hindi pinapayagan ang isang boksingero na magbawas ng timbang ng sobra sa dalawang libra sa loob ng 12 oras, dahil maaari itong matuyot.

9

Related posts

Leave a Comment