TIKAS NG PETRON ‘DI KINAYA NG FOTON

BACOOR CITY – Layunin ng Foton na harangin ang Petron at isalya ito upang hindi manalo sa kanilang sagupaan kagabi.

Ngunit, sa unang set ng laban ay simpleng napanalo ng Petron ang laban, ngunit umarangkada ang Foton sa ikalawang set.

Akala ng Foton, mapipigilan nito ang tikas ng Petro, pero muli itong nakabuwelo hanggang sa ilampaso nito ang Foton sa sumunod na dalawang set (25-10, 20-25, 25-16, 25-8).

Kaya, naselyuhan ng Petron ang No. 1 sa Philippine SuperLiga All-Filipino Conference kagabi sa Strike Gym.

Nagsubi si Bernadeth Pons ng 16 points mula sa 14 spikes at nagdeliber ng 21 digs para sa Blaze Spikers, na nananatiling undefeated sa siyam na laro.

Haharapin ng Petron ang Smart sa Sabado sa pagtatapos ng preliminary round.

“Hindi madaling maging No. 1, natalo kami sa second set, kaya nag-adjust. Good thing du’n sa second set [ay] may natutunan kami,” lahad ni Petron coach Shaq delos Santos.

Nag-ambag sina middle blocker Mika Reyes at Remy Palma ng tig-13 at 12 points para sa Petron, habang si wing spikers Ces Molina at Sisi Rondina ay may tig-10 points.

Walong puntos naman ang nagawa ni La Rainne Fabay para sa Foton na may 5-3 win-loss records.

Sa unang laro, binuksan ng Generika-Ayala ang second round campaign sa pamamagitan ng four-set win kontra Cignal (25-21, 27-25, 22-25, 25-16).

Pinangunahan ni Patty Orendain ang atake ng Life Savers sa kanyang 18 points at 10 digs, habang sina Ria Meneses at Fiola Ceballos ay nagsumite ng tig-16 at 15 points tungo sa kanilang ikalimang sunod na panalo.

Malaki rin ang naiambag ni playmaker April Ross Hingpit sa kanyang 47 excellent sets bukod sa 8 points.

Maging si Kath Arado ay nagbigay ng 27 digs at 12 excellent receptions.

Samantala, nakabalik na ang Smart sa winning ways nang talunin ang Sta. Lucia (25-23, 25-19, 25-19).

Ang Smart ay may 3-5 win-loss cards, habang 0-9 naman ang Lady Realtors.

Laro bukas: (Huwebes) sa Bacoor Strike Gym

2:00 p.m. — F2 Logistics vs Cignal

4:15 p.m. — Smart vs Foton

7:00 p.m. — Generika-Ayala vs Foton

6

Related posts

Leave a Comment