EMPRESS SCHUCK: HAPPY YOUNG MOM

(By RK VILLACORTA)

Kung hindi lang sana nabuntis nang wala sa schedule si Empress Schuck almost 3 years ago, ang ganda na sana ng estado ng kanyang showbiz career.

“But no regrets,” banggit niya sa grand media conference ng pelikulang “Kahit Ayaw Mo Na” kung saan ang role niya ay isa sa mga magagandang proyekto ni Empress since she made a comeback via the film Goyo after giving birth.

At that, pakiramdam ni Empress, parang bored na siya sa pinaggagawa niya. Parang wala nang patutunguhan ang career niya. Kaya umabot siya sa estado na nagbuntis at ipinanganak ang kanyang beautiful baby girl na si Bonita Athalia Guingona, anak niya kay Vino Guingona.

Aminado si Empress na wala sa schedule na magkaanak siya at that time, but with her experience as a young mom ay super happy siya sa baby niya.

Hands on si Empress sa pag-aalaga sa anak nila ni Vino.

Yes, live-in sila with a different set-up: ang boyfriend niya ay naka-based sa Zambonga at dinadalaw lang silang mag-ina sa Manila.

Kung minsan siya at si baby Athalia ang nagpupunta sa Zamboanga para magkasama silang tatlo as a family.

Marriage? Wala pa sa plano ni Empress ‘yan. “Ayaw ko kasi mag-pakasal dahil lang sa may baby na kami or dahil we need to get married sa influence ng family namin or friends. I want to get married dahil we’re both ready,” sabi niya sa amin.

In her latest film, directed by Bona Fajardo, Empress plays the role of “Joey” na taga-Manila na nagre-research for her design business.

The film, which also stars Kristel Fulgar, Andrea Brilliantes, Alan Paule, and Daniel Matsunaga, ay nag-shooting sa Western Samar at showing na next week (December 5) in cinemas nationwide.

6

Related posts

Leave a Comment