‘TWIN TOWER’ SA TEAM PILIPINAS

PANGUNGUNAHAN ng mga higanteng sina June Mar Fajardo at Greg Slaughter ang 12-man line-up ng Team Pilipinas na sasabak bukas ng gabi kontra Kazakhstan sa Mall of Asia Arena.

Magsasagupa ang Pilipinas at Kazakhstan para sa fifth window ng Fiba World Cup Asian Qualifiers

Bale apat na manlalaro ang galling sa Barangay Ginebra maliban kay Slaughter, tulad nina Peter Aguilar, Scottie Thompson at LA Tenorio. Habang ang mga kasama ni Fajardo sa San Miguel na sina Alex Cabagnot at Marcio Lassiter ang napabilang sa final 12 na pinili ni head coach Yeng Guiao.

Bukod sa mga nabanggit, ang iba pang bumubuo sa koponan ay sina Rain or Shine’s Beau Belga at Gabe Norwood, Blackwater’s Paul Erram at Matthew Wright ng Phoenix.

Kasama rin si Stanley Pringle ng NorthPort, pero lalaro siya bilang naturalized player laban sa Kazakshtan.

Maituturing na tallest line-up ang binuong team ni Guiao laban sa Kazakshtan, particular sina seven-footer Slaughter at 6’10” Fajardo na itinituring na ‘twin tower.’

Papangalanan pa rin ni coach Guiao ang 12 players na sasabak naman kontra Ian sa Lunes, Disyembre 3 sa MOA.

Target ng 12-man team na maiangat ang Pilipinas mula sa 5-3 win-loss record sa Group F na sapat para sa ikatlong spot.

Ang top three teams sa Group E at F at ang best fourth-placed team ay bibigyan ng tiket para sa Fiba World Cup sa susunod na taon sa China.

Mamimili pa rin si Guiao ng 12-man roster para naman sa laro kontra Iran sa Lunes, Disyembre 3.

Ang mga natitirang manlalaro ay sina: Paul Lee ng Magnolia, Arwind Santos ng San Miguel, Jayson Castro at Troy Rosario ng TNT, Gilas cadet Ricci Rivero ng University of the Philippines at Batang Gilas cager Kai Sotto ng Ateneo.

Hindi nakasama si Christian Standhardinger ng San Miguel sa 12-man line-up dahil isang naturalized player lang ang pinayagan para sa Fiba-sanctioned events.

9

Related posts

Leave a Comment