THE LATEST “DARNA REMAKE” BAKIT ITO INDEFINITELY POSTPONED

(By RONNIE CARRASCO III)

“DING, ANG bato!”

“Bakit, ‘teh, magda-Darna ka na?”

“Hindi, itago mo lang. Wait for further notice.”

Mala-ganito ang takbo ng pag-uusap ng magkapatid na Narda at Ding following the indefinite stopped-filming ng remake ng Mars Ravelo Pinay super hero character.

Starring Liza Soberano sa ilalim ng Star Cinema, balitang isinantabi muna ang pagsasapelikula ng Darna to give way to a LizQuen film.

Base noon sa mga releases, inabot daw nang limang taon ang noo’y original director nitong si Erik Matti para sa bagong atake on the remake.

Pero bunga ng creative differences sa pagitan ni direk Erik at Star Cinema, kapwa sila nagdesisyon na ipaubaya na lang ang project sa ilalim ng ibang direktor. Kabilang umano sa mga bagay na ‘di pagkakaunawaan between the two parties ay ang mga demands ni direk Erik.

At presstime nga, pansamantala munang “at rest” si Darna mula sa kanyang mga adventures para pagbigyan ang kahilingan ng mga tagahanga nina Liza at Enrique. Wala kasi si Enrique sa cast ng Darna.

In preparation for her physically demanding role, sumailalim si Liza sa martial arts training.

18

Related posts

Leave a Comment