UP FIGHTING MAROONS BUHAY PA!

Buhay pa ang tsansa ng University of the Philippines na makapasok sa finals, matapos maipuwersa ang knockout match nang itakbo ang pahirapang 73-71 win kontra pinapaborang Adamson University sa UAAP Season 81 semis sa Mall of Asia kahapon.

Mula sa tablahang 71-71 count sa segundo ng laro, masuwerteng naipasa ni Juan Gomez de Liano ang bola sa libreng si Bright Akhuetie sa ilalim at swak ang two-pointer para itakbo ang panalo, 2.6 seconds sa laro.

Bunga ng panalo, muling maghaharap ang dalawang koponan para sa do-or-die match sa Miyerkules sa Big Dome.

Iniskor ni Paul Desiderio ang kanyang 19 points sa second half, particular ang 10 sa fourth quarter, habang si De Liano ay nag-ambag rin ng 19 markers.

Bagamat anim na puntos lamang ang naiambag ni Akhuetie mula sa 2-of-5 shooting, halimaw naman ito sa board nang humablot ng 14 at naging instrument pa sa panalo ng Maroons.

Nakipagsabayan ang Fighting Maroons sa Falcons sa first half, nang isara ito sa 29-28 count at nagawa pang limitahan si ace shooter Jerrick Ahanmisa sa two points.

Pagpasok ng third period, ‘nagwala’ na ang UP at na-outscored ang Soaring Falcons, 26-14 tungo sa paghablot sa abante, 54-43.

Hindi naman nagpabaya ang Adamson nang mag-rally sa likod ni Sean Manganti, humirit ng magkasunod na basket pa-ra ibigay sa Falcons ang 69-65 lead sa huling 2:20 ng laro.

Ngunit hindi bumigay ang Fighting Maroons, nang magpakawala ng 8-2 run, kasama ang winning basket ni Akhuetie.

Si Papi Sarr ay tumapos na may 23 points at nine rebounds, habang si Manganti nama’y nag-ambag ng 15 points at five rebounds.

Habang si Ahanmisi ay nine points (2-of-12) ang naiambag. (CHINKY ABANDO)

Iskor:

UP (73) – Desiderio 19, Gomez de Liano Ju 19, Manzo 9, Gomez de Liano Ja 9, Akhuetie 6, Prado 4, Dario 3, Jaboneta 2, Vito 2, Murrell 0, Gozum 0, Lim 0, Tungcab 0

ADAMSON (71) – Sarr 23, Manganti 15, Ahanmisi 9, Camacho 8, Lastimosa 7, Espeleta 5, Magbuhos V 4, Pingoy 0, Mo-jica 0, Catapusan 0, Bernardo 0

Quarters: 17-16, 28-29, 54-43, 73-71

7

Related posts

Leave a Comment