AMO NAKIKIUSAP NG TULONG PARA SA MINALTRATONG ASO

MINGLANILLA, Cebu –Humihingi ng tulong ang isang babae dahil sa ginawang pagmaltrato sa kanyang alagang aso.

Sa Facebook post ni Medy Deiparine, ipinakita niya ang kondisyon ng kanyang aso nang matagpuan niya sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Lipata.

Ayon kay Medy, duguan at nanghihina na ang tutang si Bati Og Nawong nang kanyang nakita. May mga sugat umano ito sa ulo na hinihinalang bunga nang pagkakapukpok ng isang matigas na bagay.

Hindi agad nalapatan ng paunang lunas ang aso dahil walang pera ang pamilya para sa pagpapagamot sa alaga.

Kumbinsido  si Deiparine na ang pamangkin niya ang may gawa nito sa kaniyang aso.

Iimbitahan ng mga opisyal ng barangay sa Lunes ang pamangkin ni Deiparine para sa gagawing imbestigasyon.

Kung mapatunayan na siya ang gumawa, kakasuhan siya ng paglabag sa Animal Welfare Act.

Nangako naman ang barangay na tutulong sa pagpapagamot sa aso.

14

Related posts

Leave a Comment