Napakahalaga ng laban ng Ateneo Blue Eagles at UP Fighting Maroons kanina dahil kung nanalo ang huli ay tabla ang dalawa.
Kaya, maghaharap uli sila sa court na posibleng ikapanalo pa ng UP.
Pero, kung matalo ang UP ay tiyak na walang ikatlong laban ang dalawang koponan na parehong taga-Katipunan, Quezon City.
Kaya, tiniyak ng Ateneo Blue Eagles na hindi mangyayari na masungkit ng UP ang korona ng UAAP – 81 Men’s Basketball.
Sa harap ng 23,471 fans na dumagsa sa Smart-Araneta Coliseum, hindi binigyan ng Blue Eagles ng puwang ang Fighting Maroons na makahirit ng do-or-die Game 3 nang dominahin nito ang Game 2 hanggang marating ang 99 – 81 win pabor sa Ateneo.
Kaya, itinala ng Blue Eagles ang back-to-back championship.
Ang UP ay 32 taon nang naghihintay na muling tanghaling kampiyon sa UAAP Men’s Basketball tournament, ngunit hindi naganap.
Binulabog ni Thirdy Ravena ang opensa at maging ang depensa ng UP nang magtala ng career-high 38 points at akayin ang Blue Eagles sa ika-10 over-all championship.
Ang fourth-year forward player na si Ravena, nakababatang kapatid ni Kiefer, ang tinanghal na Finals MVP.
138