UST TIGERS NILAYASAN NG COACH

BUMITAW na si Jinino ­Manansala bilang head coach ng dating University Athletic Association of the Philippines (UAAP) champ, University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers.

“Hindi na po ako ang hahawak sa UST Tigers. ­Nagpaalam na po ako sa pamunuan ng UST. Hintayin na lang po natin ang announcement nila kung sino ang kukunin for next season,” sabi ni

Manansala sa virtual session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum noong nakaraang linggo.

Hindi maganda ang ipinakita ng Tigers sa nakaraang UAAP Season 84, 3-11 win-loss at lamang lang ng isang panalo sa tailender University of the East.

Under contract si Manan-sala sa Tigers hanggang ­Disyembre, ngunit sa halip na UST development league ay ang Adalem Construction-St. Clare ang kanyang iko-coach.

Si Manansala ay dating UST team captain at naglaro para kay coach Aric del Rosario simula 1999 hanggang 2003.

Siya ang ipinalit kay coach Aldin Ayo, napwersang magbitiw dahil sa kontrobersyal na bubble training camp sa Bicol noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

SINALO NI ALOCILLO

SI assistant coach Albert Alocillo ang pansamantalang hahawak sa Growling Tigers sa 2022 PBA D-League Aspirants’ Cup.

Kabilang ang UST’s Adalem Construction-St. Clare sa mga magpapartisipa sa developmental league ngayong season.

Galing ang Saints mula sa five-peat NAASCU championship sa pangunguna ng MVP na si Johnsherick Estrada. (ANN ENCARNACION)

136

Related posts

Leave a Comment