MARGIELYN DIDAL, 18th PLACE SA ROME

MULING sumabak sa international tournament si Tokyo Olympian Margielyn Didal bilang preparasyon sa 2024 Paris Olympics.

Sumalang siya sa 2022 Street Skateboarding Rome leg, unang qualifying event para sa 2024 Games kung saan pumasok siya sa ika-18 puwesto.

Mula sa total 63 ­skateboarders sa Women’s Open Qualifier ng World Street Skateboarding Cup sa Rome, Italy, nakapagtala ang Pinay ng kabuuang 37.95 puntos sa dalawang run.

Ang 23-anyos na si Didal, gold medallist sa Southeast Asian Games at 2018 Asian Games ay tumapos na ikapito sa nakaraang Tokyo Olympics. Umaasam siya na mag-qualify sa Paris sa ­pag-iipon ng ranking points mula sa iba’t ibang international ­competitions.

Kasalukuyan siyang nasa Italy kasama ang iba pang street skateboarders na nagnanais makakuha ng Olympic World Skateboard Ranking (OWSR).

Ang huling OWSR ­standings sa Hunyo 24, 2024 ang ­gagamitin para madetermina ang pinakamahuhusay na skaters sa 2024 Olympics. (ANN ENCARNACION)

66

Related posts

Leave a Comment