YUKA SASO, 1st PINOY US OPEN CHAMPION

0

Ni ANN ENCARNACION

SA edad na 19, naging kauna-unahang Filipino golfer si Yuka Saso na nanalo ng US Women’s Open title Lunes (Manila time) sa Olympic Club sa San Francisco.

Humataw ng birdie sa third playoff hole ang ­Filipina-Japanese na si Saso upang manaig laban kay Nasa Hataoka ng Japan.

Sa kabila ng back-to-back double bogeys, hindi nasiraan ng loob ang 2018 Asian Games gold ­medalist sa women’s individual at team golf events at pumalo ng birdies sa 16 at 17 para sa two-over 73 at umusad sa playoff na may four-under total na 280 for 72 holes.

Samantala, habang duma­usdos ang overnight leader na si Lexi Thompson ng U.S. ay nagpakitang gilas naman si Hataoka sa kanyang final-round 68 na nagbigay daan sa tapatan nila ng Fil-Jap.
Nagpalitan ng par sa number 9 at 18 two-hole aggregate sina Hataoka at Saso, hanggang maka-­birdie sa sudden-death third hole ang huli para angkinin ang kanyang unang golf major title at samahan si South Korean Park In-bee bilang “youngest winners” sa edad na 19 years, 11 months and 17 days.

Maliban sa tropeo, si Saso na ang ina ay tubong Bulacan at ang ama ay Japanese ay nag-uwi ng $1 ­million purse prize.

SPORTS ATHLETES NAGBUNYI

NAGING trending topic sa social media ang historic win ng 2021 U.S. Women’s Open champion na si Yuka Saso.

“Saso is the first female from the Philippines to win a major championship,” post mismo sa Twitter ng LPGA.

Ibinahagi naman ng Fil-Jap ang three words of encouragement mula kay four-time major champion Rory McIlroy na naging susi sa kanyang breakthrough performance.
“Rory mentioned me on Instagram and said, ‘Get that trophy!'” ani Saso. “And I did!”

Maging ang mga atleta at personalidad sa ibang sports ay nagbunyi sa panalo ni Saso. Kabilang sa mga nag-post ng congratulatory remarks sina Adelaide 36ers center Kai Sotto ng Adelaide Tigers ng Australian NBL, San-En NeoPhoenix wing Thirdy Ravena ng Japanese B.League, at national ­women’s volleyball team spiker Alyssa Valdez;

PBA’s Ginebra coach Tim Cone at TNT coach Chot Reyes, ex-Rain or Shine guard Chris Tiu, former Ateneo volleyball player at Frontline Pilipinas anchor Gretchen Ho, at Choco ­Mucho middle blocker Bea De Leon.

SASO PASOK SA TOKYO OLYMPICS

MATAPOS makuha ang kanyang unang golf major title, tiyak na ang tiket sa Tokyo Summer Games ni Yuka Saso

Hulyo 23 hanggang Agosto 8, ngayong taon gaganapin ang quadrennial meet, na na-postpone ng isang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Ngunit sa ngayon ay mas prayoridad ng Fil-Jap ang paglahok sa ibang torneo bago ang 32nd Olympics.

“Focus po muna ako sa sunod na tournament. Marami pa po kasing tournament bago ang Olympics,” sabi ni Saso sa 76th US Women’s Open Mickey Wright gold medal at Harton S. Semple trophy awarding.

Base sa huling International Golf Federation ­rankings noong Mayo 31 2021, nasa ika-22 puwesto sa women’s si Saso, habang ika-41 ang kapwa national team member na si Bianca Pagdanganan. Inaasahang tataas pa ang ranking ni Saso dahil sa kanyang LPGA tour win.

Ang isa pang Filipino golfer na si Juvic Pagunsan ay nasa ika-50 puwesto naman sa men’s matapos magwagi sa Mizuno Open sa Japan.

Sa ngayon ay 10 atletang Pinoy na ang nag-qualify sa Tokyo Olympics: EJ ­Obiena (pole vault), Carlos Yulo (gymnastics), Eumir Marcial, Nesthy Petecio, Irish Magno, at Carlo Paalam (boxing), Hidilyn Diaz (weightlifting), Cris Nievares (rowing), Kurt Barbosa (taekwondo), at Margielyn Didal (skateboarding).

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment