SRA NG MEDICAL WORKERS PINABABAYARAN SA DOH

PINAKIKILOS kaagad ni Senador Grace Poe ang Department of Health (DOH) para mabayaran ang medical frontliners upang maiwasan ang pagbagsak ng health system sa bansa.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na humihingi na ng saklolo ang medical health frontliners kaya’t hindi dapat magbingi-bingihan ang gobyerno sa kanilang hinaing sa oras ng kanilang pangangailangan.

Ayon kay Poe, ilang grupo na ang nagpahayag ng pagkabahala sa planong malawakang pagbibitiw ng frontliners, sa pagkakasakit ng ilan, at hindi pagbibigay ng kanilang allowances. Lahat ng ito ay kailangan ng agarang tugon.

“Sa kabila ng audit report na bilyon-bilyong pondo ng DOH ang hindi nagamit para COVID-19 response, umaasa ang ating frontliners na makakagawa ng paraan ang gobyerno para ibigay na ang benepisyong para sa kanila habang matiyaga silang nag-aalaga sa maysakit,” ayon sa mambabatas. (ESTONG REYES)

172

Related posts

Leave a Comment