WALANG anomang aberyang naibyahe ng Armed Forces of the Philippines – Western Command (Wescom) ang mga pangunahing pangangailangan ng mga sundalong Pinoy na nahimpil sa BRP Sierra Madre sa pinagtatalunang Panatag Shoal, ayon kay Vice Admiral Alberto Carlos.
“The absence of Philippine Government escort vessels was deliberate. We are exhausting all available means to peacefully co-exist until all WPS issues are finally resolved,” aniya.
Sa kalatas ng Wescom, walang naganap na pagbuntot ang Chinese Coast Guard na namataan sa karagatang binabantayan ng mga sundalong Pinoy na lulan ng barkong nakahimpil sa bahurang bahagi ng West Philippine Sea. Hindi rin anila nakatanggap ang barkong nagdala ng supply sa BRP Sierra Madre ng anumang mensaheng karaniwang ipinapadala ng mga Tsino gamit ang kanilang high-frequency radio.
“Our current thrust is part of the trust-building efforts we are undertaking in response to the guidance of the President to exhaust all means to resolve the issues in the West Philippine Sea. Hence, continuing dialogues with Chinese authorities is one such approach,” ani Carlos.
Sa tala ng Wescom, ang naturang supply mission ay ikatlo mula nang pormal na naupo sa Palasyo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kabilang naman sa mga dinalang supply ng Wescom sa mga sundalong Pinoy na lulan ng BRP Sierra Madre ang pagkain, tubig, gamot, maintenance at repair equipment at iba pa.
Matapos idiskarga ang supply, ligtas naming nakabyahe pabalik ang Wescom. (JESSE KABEL)
